Isang Tomasino ang kasama sa paglikha ng kauna-unahang video game na halaw sa mga alamat at mitolohiya ng Pilipinas.
Pinamagatang “Balete City” ang role-playing game na may mga karakter kagaya ng kapre, aswang at mga enkantong kilala sa mga kwentong bayan ng bansa.
“Balete City is a game filled with the wonders and mysteries of our country’s folklore and mythology,” wika ng Tomasinong si Christian Rey Luz sa isang panayam sa Varsitarian.
“You will get to play as Aki, an Asog (male Babaylan) and the last of his kind, and actually become part of two worlds in one, kung saan ang mga kwento-kwento lang ng mga ninuno natin noon ng mga kakaibang nilalang ay maaari mo nang kaibiganin o kalabanin,” tuloy niya.
Sambit ni Luz, kabilang sa maaaring gamiting midyum sa laro ang wikang Filipino upang maipakilala at maitaguyod ang kultura ng bansa.
“We actually considered implementing the use of the Filipino language to further promote our culture and heritage. [W]e will make sure that our players will have the option to set the language and dubbing into Filipino when it gets released,” paliwanag niya.
Tumatayong head of film at audio director ng laro si Luz na nagtapos ng kursong advertising arts sa UST College of Fine Arts and Design (CFAD) noong 2017.
“Sobrang laki rin ng pasasalamat ko sa UST sa dinami-dami ng opportunities na nakuha ko para matutunan ang maraming bagay. Masasabi ko rin na hinubog din ng UST ang aking pasensya,” dagdag pa ni Luz.
Bukod sa pangangasiwa sa film, audio at music department, tumatayo ring graphic artist si Luz ng Balete City core team.
Ayon kay Luz, nagsimula ang “Balete City” na may higit 100 na volunteer ngunit bumaba ang bilang sa 20.
“The reason was that voluntary lang din kasi ‘yung work namin nun and meron din kaming kanya-kanyang full-time jobs. Pero masasabi ko na meron kaming malalaking progressions back then, lalo nung 2020, na kahit na kakaunti na kami at nag-low profile kami, sige pa rin kami sa pag-develop.”
Dagdag pa ni Luz, marami siyang natutuhan tungkol sa mga kwentong bayan dahil sa proyekto.
“I can’t help myself from being too curious about our country’s mysterious folklore. When I found out there were more than a thousand engkantos out there, I told myself that I wanted to learn more about our long forgotten folklore and mythology. Let’s be honest, most of us only know the tip of the iceberg when it comes to that kind of topic. I promise you, mas malawak pa talaga ang dadalhin namin sa inyo.”
Ang proyektong “Balete City” ay binuo ni Niley Bacolcol, isang alumnus ng Unibersidad ng Pilipinas-Baguio.
Wala pang nakatakdang release date ang laro, ngunit ito ay inaasahang ilabas para sa PC at console platforms. Samantha Nichole G. Magbuhat
0 Comments